15.6 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

1st Cagayan Rabies Summit, isinagawa ng PHO at PVET

Nagsagawa ang Provincial Health Office (PHO) at Provincial Veterinary Office (PVET) ng kauna-unahang “Cagayan Rabies Summit” sa Capitol Commissary Building noong Biyernes, ika-24 ng Marso 2023.

Ang Rabies Summit ay may temang “Strengthening Rabies Awareness and Filling the Gaps in Rabies Program.”

Sa naging pahayag ni Atty. Mamba-Villaflor, hindi aniya katanggap-tanggap kung may namamatay na tao, alagang aso at pusa dahil sa rabies kaya’t napakahalaga umano na makontrol o mawakasan ang rabies sa Cagayan.

Sa mensahe naman ni Dr. Carlos Cortina III, Provincial Health Officer ng lalawigan, napakahalaga ang “Rabies Summit” para malaman rin ang kakulangan sa implementasyon ng RA 9482 sa Cagayan upang mabigyan ng solusyon patungo sa nais abutin na maging rabies-free ang Cagayan at buong Region 02.

Ayon naman kay Dr. Nolie Buen, Provincial Veterinary Officer ng Pamahalaang Panlalawigan na sana maging rabies-free na ang Cagayan.

Bahagi ng nasabing aktibidad ang tamang implementasyon ng RA 9482 o Anti-Rabies Act of 2007. Dito ay naiprisenta rin ang pagiging responsible pet owners, kalagayan ng mga bite centers sa Cagayan, at serbisyo at programa ng PVET.

Naging halimbawa dito ang best implementer ng RA 9482 sa Cagayan ang Barangay Tucalana, Lal-lo at Barangay Iringan sa Allacapan, Cagayan.

Matatandaan na binigyan ito ng pagkilala ng PVET noong 2022.

Ang Rabies Summit ay dinaluhan ng iba’t ibang Municipal Health Officers, Municipal Veterinarians, Veterinary Technicians, Municipal Agriculturist, Barangay Health Workers Federations Presidents ng Cagayan na mula sa Rizal, Sanchez Mira, Solana, Sta. Ana, Piat, Aparri 1 & 2, Baggao, Ballesteros, Buguey, Calayan, Sta. Praxedes, Sta. Teresita, Sto. Niño, Tuao, Tuguegarao, Iguig, Lal-lo, Lasam, Pamplona, Peñablanca, Camalaniugan, Claveria, Enrile, Gattaran, Gonzaga, Abulug, Alcala, Allacapan, at Amulung.

Kabilang dito ang ibang ahensya ng Department of Health Region 02, DILG, DA, DepEd, CSU College of Veterinary Medicine, Provincial Office for People Empowerment (POPE) at Tuguegarao Veterinary Office.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles