23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

1st Breastfeeding room sa lalawigan ng Kalinga, pinasinayaan

Pinasinayaan ng Kalinga Provincial Health Office ang kauna-unahang breastfeeding room sa 2nd Floor ng Kalinga Provincial Capitol Building nito lamang Lunes, Mayo 16, 2022.

Ang breastfeeding/lactation room ay itinayo bilang pagtalima sa EO 2022-17 at pagsuporta hindi lamang sa mga kliyente ng nasabing Provincial Capitol kundi mas higit pa sa lahat ng nursing mother na empleyado nito upang mas mapagaan ang kanilang pagbabalik trabaho pagkatapos nilang manganak.

Ito ay mayroong mga kagamitan gaya ng icebox, refrigerator, mesa, kama, upuan, milk bags, logbook, IEC materials, sariling kubeta na may sapat na suplay ng tubig at iba pang kagamitan.

Samantala, bukod sa regular na pahinga na ibinibigay sa mga empleyado ay may ibinigay din na breastfeeding break sa lahat ng nursing mother na empleyado ng kapitolyo upang makapag-pump ng kanilang breastmilk at magampanan ang kanilang responsibilidad bilang ina sa kanilang mga sanggol.

Kung susumahin, maraming positibong epekto ang pagsuporta sa mga lactating mother kung saan mababawasan ang turn-over ng mga empleyado, maiiwasan ang kanilang pagliban sa trabaho, tataas ang kanilang moral at makakatipid sila sa mga gastos sa pangangalaga sa kanilang kalusugan at ng kanilang mga sanggol.

Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=305045895150130&id=100069341644079

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles