Ipinagdiwang ang kauna-unahang Arabica Coffee Festival na ginanap sa Barangay Sagubo, Kapangan, Benguet noong ika-28 ng Disyembre 2024.
Ang selebrasyon ay dinaluhan ng mga opisyal ng bayan, mga guro, kinatawan ng iba’t ibang organisasyon, at ni Director Charlie Sagudan mula sa ATI-RTC-CAR bilang panauhing tagapagsalita.
Sa nasabing festival, itinampok ang masarap at de-kalidad na Arabica coffee ng Sagubo, na resulta ng masikap na pagtutulungan ng lokal na komunidad.
Ang makulay na pagdiriwang ay nagpakita ng pagsasama ng tradisyunal at makabagong pamamaraan sa pagtatanim, paggawa, at pagbebenta ng kape.
Nagsilbi rin itong simbolo ng pagmamalaki ng Sagubo sa kanilang likas na yaman at mayamang kultura.
Layunin ng Arabica Coffee Festival na ipromote ang mataas na kalidad ng Arabica coffee ng Sagubo, palakasin ang kultura ng pagtatanim ng kape, at hikayatin ang mga residente na yakapin ang mga makabagong ideya habang pinapanatili ang kanilang tradisyon.