Umabot sa 193 na solo parents ng Angeles City ang nabigyan ng cash assistance, libreng pabigas at tatlong buwang supply ng vitamins mula sa Pamahalaan ng Angeles City nito lamang Huwebes, ika-2 ng Marso 2023.
Patuloy sa paghahatid ng tulong sa pangunguna ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City.
Lubos ang galak at pasasalamat ng mga solo parents sa tulong na handog ni Mayor Lazatin na patuloy sa pagbibigay ng tulong at serbisyo para sa ikabubuti at ikakaunlad ng kanyang nasasakupan.