Muling tumungo ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) na apektado ng armed-conflict at namahagi ng karagdagang tulong sa Baggao, Cagayan, nito lamang ika- 16 Pebrero 2023.
Katuwang ang nasabing aktibidad ang Disaster Response Management Division (DRMD) at sa pakikipag-ugnayan sa 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, 77th Infantry Battalion, at Local Government Unit
Umabot naman sa 193 apektadong pamilya o 700 indibidwal ang namahagian ng food packs, hygiene kits, at sleeping kits na nagkakahalaga ng Php684,281 sa tatlong magkakaibang barangay ng nasabing lugar.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa handog na tulong mula sa gobyerno.
Patuloy naman ang pagtugon sa mga alalahanin ng mga mamamayan lalo na sa mga liblib na lugar sa lalawigan upang makamit ang isang mapayapa at ligtas na komunidad kasangga ang bawat sektor ng lipunan para tuldukan ang pagdanak ng dugo dulot ng mga Communist Terrorist Groups.
Samantala, tinayak naman ng DSWD FO2 na patuloy ang pakikipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare Development Office para sa iba pang posibleng tulong na puwedeng pang maibigay sa mga residente ng nasabing lugar.
Source: DSWD Region ll