Tinatayang nasa kabuuang 191 wheelchairs ang libreng naipamigay ng pamahalaan ng Angeles City sa mga senior citizens sa iba’t ibang barangay ng Angeles City nito lamang Biyernes, ika-24 ng Pebrero 2023.
Ito ay naging posible sa ilalim ng programa ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa hatid na tulong na binibigay mula sa nasabing pamahalaan.
Patuloy si Mayor Lazatin at buong City Government ng Angeles sa paghahatid ng tulong sa kanilang nasasakupan para sa magandang kinabukasan.