May kabuuang 189 na Senior Citizens na may edad 80 hanggang 99 na taong gulang sa Laoag City, Ilocos Norte ang nakatanggap ng Cash Incentives mula sa lokal na pamahalaan nitong Linggo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.
Pinangunahan ni Laoag City Mayor Michael M. Keon ang pamamahagi ng mga insentibo na ginanap sa Laoag City Central Terminal, Laoag City.
Sa ilalim ng Milestone Award, ang mga Senior Citizen na umabot sa edad na 80-84 ay binibigyan ng Php2,000; 85-89 taon, Php3,000; 90-94 taon, Php5,000; at 95-99 taon ay Php10,000.
Ang Cash Incentive ay karagdagan sa Centenarian Gift na Php100,000 na naaayon sa itinatadhana ng Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016.
Ang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week ay ipinag-uutos sa ilalim ng Proclamation 470, na inilabas ni dating pangulong Fidel V. Ramos subalit buong buwang ipinagdiriwang ito sa buong Lalawigan ng Ilocos Norte.
Source: City Government of Laoag, Ilocos Norte
Panulat ni Malayang Kaisipan