18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

186 na indibidwal nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet

Nakatanggap ang 186 na indibidwal mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Benguet ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet sa pamumuno ni Gobernador Dr. Melchor Daguines Diclas nito lamang ika-5 ng Hunyo 2023.

Pinangunahan ng Office of the Social Welfare and Development (OPSWD) sa pamumuno ni Acting OPSWDO Melba Motio ang pamamahagi ng mahigit kumulang Php1,740,000.00 na medical at burial assistance.

Sinabi ni Motio na ang tulong ay bahagi ng Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Provincial Local Government Unit ng Benguet na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na pamilya sa mga gastusin sa pagpapagamot at pagpapalibing.

Pinasalamatan ni Motio si Gobernador Diclas sa pagsuporta sa programa dahil sa kanyang inisyatibong taasan ang cash aid para sa mga indibidwal na sumasailalim sa dialysis, chemotherapy, at mga operasyon sa puso.

Samantala, saad ni Gobernador Diclas, na uubusin ng Provincial LGU ang mga pondong magagamit para sa programang ito upang tustusan ang mga pangangailangan ng mga marginalize sectors.

Ang mga indibidwal na gustong mag-avail ng programa ay maaaring humingi ng tulong sa kani-kanilang Municipal Social Welfare and Development Offices (MSWDOs).

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles