20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

180 TUPAD beneficiaries, tumanggap ng sahod na tig-Php3,000 mula sa Pamahalaan ng Laoag City, Ilocos Norte

Tumanggap ng sahod na tig-Php3,000 ang 180 na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) beneficiaries mula sa Pamahalaang Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte nito lamang Sabado, ika-12 ng Nobyembre 2022.

Ang nasabing pamamahagi ng benepisyo ay pinangunahan ni Hon. Matthew Marcos Manotoc, Governor ng Ilocos Norte.

Ayon kay Hon. Governor Matthew Marcos Manotoc, ang naturang sahod ng mga napabilang sa programa ng DOLE bilang cash-for-work program ng Provincial Environment and Natural Resources Office.

Ayon pa kay Hon. Governor Manotoc, “Ang magandang programa na ito ay pinondohan ng Department of Labor and Employment Ilocos Norte Field Office (DOLE INFO)”.

Sa ilalim ng pamumuno ng Gobernador, pinalawak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte ang mga programa nito upang matiyak na ang mga serbisyong pang-emerhensyang pagtatrabaho ay malilikha at magagamit para sa mga kapus-palad na manggagawa.

Source: Provincial Government of Ilocos Norte

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles