14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

18 Former Rebels naging benepisyaryo ng LSG ng DSWD Region 2

Nakatanggap ang 18 Former Rebels (FRs) ng Php360,000 na Livelihood Settlement Grants (LSGs) na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Provincial Capitol ng Bayombong, Nueva Vizcaya, noong Nobyembre 9, 2022.

Ibinigay ang Php20,000 na pinakamataas na grant sa bawat FR mula sa mga munisipalidad ng Ambaguio, Bayombong, Bagabag, Kasibu, Villa Verde, Dupax del Sur, Dupax del Norte, at Sta. Fe bilang puhunan para sa kanilang mga napiling proyektong pangkabuhayan.

“Napaniwala ang kaisipan namin sa mga pangako nung hinikayat kaming sumanib sa kilusan. Kinalaunan napagtanto naming hindi pala totoo ang pangakong ito. Kaya sa pagbabalik-loob namin ay malaki ang pasasalamat ko sa hanay ng gobyerno, sa inyo sa DSWD. Dalangin ko sa Panginoon na tuloy-tuloy ang pagtulong ninyo. Itong natanggap ko ay magagamit kong dagdag puhunan sa aking tindahan”, ani alyas Aning, dating rebelde mula sa barangay Talbec, Dupax del Sur.

Tiniyak ni Regional Director Lucia Suyu-Alan ng DSWD 02, ang patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga dating rebelde pabalik sa kani-kanilang mga komunidad. Sa pahayag ni RD Alan, kanyang nabanggit na ang programa ay kaugnay sa Executive Order No. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), whole-of-nation approach.

“Pagsikapan nating ipagpatuloy ang ating nasimulan hanggang sa makamit natin ang kapayapaan. Nandito ang pambansang pamahalaan hanggang sa antas ng barangay upang tulungan ang ating mga FR habang tinatanggap nila ang isang bagong buhay na malayo sa insurhensya”, aniya.

Natapos ng SLP ang target nito para sa 2022 sa pagbibigay ng sustainable economic packages sa mga FR at pamilya sa Conflict Vulnerable Areas (CVAs) sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

May kabuuang 29 na FR ang nakatanggap ng nagkakahalaga ng Php580,000 at 3 SLP associations sa CVAs na nagkakahalaga ng Php900,000.

Ang LSG ay isang tulong pinansyal na direktang ibinibigay sa bawat kwalipikadong dating rebelde na tuluyan ng nagbagong buhay upang suportahan ang pagtatatag o pagpapatuloy ng kanilang mga kabuhayan o pang-ekonomiyang aktibidad sa kanilang mga komunidad.

Source: DWSD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles