Dagupan City, Pangasinan – Nasa 18 fisherfolks mula sa Bonuan Binloc at Bonuan Gueset ang tumanggap ng kanilang Survival and Recovery Assistance Program (SURE) mula sa Agriculture Credit Policy Council ng Department of Agriculture (DA) sa E-Library Building ng Dagupan City, Pangasinan nito lamang Oktubre 25, 2022.
Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez at City Agriculture Officer-In-Charge, Patrick Dizon, ang orientation and disbursement program na makakatulong sa mga recipients upang makapag-umpisa sila ng kanilang sariling aquaculture structure business.
Pinaalalahanan sila ni Mayor Belen na isaayos ang lugar at laki ng kanilang aquaculture structure business upang makasunod sa alituntunin ng Fishery Ordinance at maging sustainable ang kanilang business.
Php20,000 na halaga ng loan na payable sa 10 taon na may zero percent interest ang natanggap ng mga beneficiaries mula sa Nueva Segovia Credit Cooperative, ang accredited conduit ng DA Regional Field Office 1.