Buong pusong naglagay ng kanilang handprints sa commitment wall ang mga kawani ng DSWD Field Office 1 – Haven for Women (HWF) na sumisimbolo ng kanilang pagtutol sa kaharasan at pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan sa ginanap na 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Ipinaliwanag din ni Atty. Teodora S Cerdan, IBP Pangasinan Chapter ang mga probisyon sa batas para sa mga kababaihan tulad ng Republic Act (RA) 11313 o ang Safe Spaces Act at ang Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Sinusuportahan ng 18-Day Campaign to End VAW ang layunin ng gobyerno ng Pilipinas na protektahan ang mga karapatang pantao ng kababaihan at mga batang babae sa pamamagitan ng paninindigan sa pangako nitong tugunan ang lahat ng uri ng karahasan na nakabatay sa kasarian gaya ng nakasaad sa 1987 Constitution. Source: DSWD Office 1