Masayang nakatanggap ang 175 livelihood beneficiaries ng kanilang payout mula sa lokal na pamahalaan ng Tuguegarao sa pamumuno ni
City Mayor Maila S. Ting-Que noong ika-21 ng Enero 2025.
Ang nasabing benepisyaryo ay umabot sa 105 na mga miyembro ng Bigkis ng Nagtitinda, 27 na Parlor Association, at 43 naman sa Solo Parent Federation. Nakatanggap ang bawat miyembro ng Php7,000.00 bilang bahagi ng suporta sa Pamahalaang Panlungsod.
Ayon sa mensahe ni Mayor Maila, tiniyak nito ang maayos na paghawak ng pera sa kanyang administrasyon, kung kaya’t tuloy-tuloy ang suporta at tulong na ipinapamahagi sa iba’t ibang sektor, maliban pa sa tulong na natatanggap ng pamahalaan mula sa national government.
Samantala, pinangunahan ni Cooperative and Livelihood Development Office (CLDO) Head Dr. Fe Mallari, katuwang ang mga tauhan ng City Treasurer’s Office ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga miyembro ng nasabing sektor.
Ang Lungsod ng Tuguegarao ay tinitiyak ang kapakanan ng bawat mamamayan sa syudad upang masuportahan at mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan at masigurong maipadama ang Serbisyong Nakikita, Nadarama, at Maaasahan.
Source: Tuguegarao City Information Office