Matagumpay ang Libreng Tuli Operation Program ng City Government ng Tarlac na ginanap sa Kaisa Convention Hall, Barangay Cut-Cut 1st, Tarlac City, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-18 ng Agosto 2023.
Ang naturang programa na pinangasiwaan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang si City Health Officer Dra. Ma. Carmela Go.
Kabuuang 1,744 na kabataan ang naging benepisyaryo sa naturang programa.
Binigyan ang mga ito ng libreng gamot upang mabilis na maghilom ang sugat at maiwasan ang magkaimpeksyon ito.
Ayon sa ulat ng City Health Offie, taon-taon itong isinasagawa sa ilalim ng 22-in-1 Angel Care Program.
Sinikap din ng mga Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City na hikayatin lahat ang mga kabataan na sumailalim sa libreng tuli habang bakasyon pa.
Patunay lamang na ang prayoridad ng pamahalaan ng Tarlac City ay ang kalusugan at kapakanan ng bawat indibidwal ng kanilang nasasakupan.