15.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

173rd Founding Anniversary ng Probinsya ng La Union, ipinagdiriwang

Kasalukuyang ipinagdiriwang ng mga taga-La Union ang ika-173rd na pagkakatatag ng kanilang lalawigan nito lamang Marso 2, 2023.

Ang Lalawigan ng La Union ay matatagpuan sa Hilagang-Kanluran ng Isla ng Luzon. Ito ay binubuo ng 19 na munisipalidad at isang lungsod na nagsisilbing kanyang kabisera.

Itinatag ng mga Kastila ang La Union noong March 2, 1850 sa pangangasiwa ni Gobernador-Heneral Antonio Maria Blanco.

Subalit noon lamang April 18, 1854, opisyal na kinilala ang lalawigan ng La Union na binuo mula sa mga pinagsamang bayan ng Pangasinan, Ilocos Sur, at mga ilang teritoryo ng Benguet.

Tinawag ito na La Union dahil sa salitang Kastila na “Unión” na ang ibig sabihin ay pinagsama.

Ang Lalawigan ng La Union ay kasalukuyang pinamumunuan ni Gobernadora Raphaelle Veronica Ortega-David na siya ring kauna-unahang babaeng namuno dito.

Maligayang buwan ng mga Kababaihan!

Source: Provincial Government of La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles