21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

17 PWUDs nagtapos sa Livelihood Training ng TESDA

Idinaos ang Graduation Ceremony ng 17 na Person Who Used Drugs (PWUDs) na nagtapos sa Bread Making Training (Leading to Bread and Pastry Production NCII) ng TESDA na ginanap sa bayan ng Aparri, Cagayan noong Hulyo 5, 2022.

Pinangunahan ni Mr. Romeo O Talosig, Provincial Director ng TESDA Cagayan ang pagtanggap ng pagpapatunay na nagtapos na sa livelihood training ang 17 reformist.

Nakatanggap din ng Starter toolkit ang mga nagsipagtapos na naglalaman ng Electric Oven, Digital Weighing Scale, Mixing Bowl, Measuring Cup and Measuring Spoon na kanilang gamitin bilang panimula.

Samantala, nagpahayag ng inspirasyon at motivation si Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director Cagayan Police Provincial Office, sa mga nagsipagtapos na maging responsableng mamamayan at gamitin nila ang kanilang natutunan para makapagsimula ng panibagong buhay.

Dumalo din sa aktibidad sina PLtCol Haroun Pagador, DPDO; PLtCol Emil Q Pajarillo, C, PCADU; PCpt Tristan John Zambale; Ms. Felicidad A Badajos, Center Administrator, PTC Cagayan; Ms. Josephine N Cabrera, Supervising TESDA Specialist; Atty. Maryjane Tadili, Mun. Administrator; at Pastor Remegio Requizo, MBK-LC.

Ang gobyerno ay maghahatid ng mga ganitong aktibidad upang mabigyan ng pagkakataon ang mga PWUDs na magbagong buhay at maging kapakipakinabang sa pamayanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles