15.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

17 dating miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno ng Nueva Ecija

Nagbalik-loob sa gobyerno ng Nueva Ecija ang 17 dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Llanera, Nueva Ecija nito lamang ika-16 ng Hulyo 2022.

Ang mga sumuko ay dating miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid, Alyansang Mangbubukid sa Gitnang Luzon, Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas, Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Boluntaryong sumuko ang mga miyembro sa pinagsanib na puwersa ng tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 3, 303rd Mechanized Company Regional Mobile Force Battalion 3, 84th Infantry Battalion Philippine Army, San Jose City PS, Science City of Muñoz PS, Guimba PS, Rizal PS, Llanera PS, Carranglan PS, Lupao PS, Nampicuan PS, Quezon PS, Licab PS, Talugtug PS, Talavera PS, Pantabangan PS at Aliaga PS.

Pumirma sila ng oath of loyalty sa gobyerno bilang patunay ng tuluyan nilang pagtalikod sa maling ideolohiya ng mga teroristang grupo.

Ang pagsuko sa gobyerno ng dating rebelde ay patunay lamang na ang PNP ay patuloy na pinapaigting ang kampanya laban sa insurhensya para iwanan ng mga miyembro ng teroristang grupo at ang baluktot na ideolohiya nito at mamuhay ng tahimik at maayos sa piling ng pamilya.

Source: Police Regional Office 3

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles