Nabiyayaan ang 167 na working students sa ilalim ng Special Program for Employment Students (SPES) sa Lingayen, Pangasinan nito lamang ika-2 ng Oktubre 2022 bilang programa ng Pangasinan Provincial Government.
Ayon sa pamunuan ng Provincial Employment Services Office na si Ma. Richelle Raguindin, nabigyan ng 20 araw na trabaho ang mga benepisyaryo na may sweldong Php547 sa isang araw.
Inaasahang makakatulong ito para maipagpatuloy ng mga working student at out-of-school-youth ang kanilang pag-aaral.
Source: Province of Pangasinan
Panulat ni Malayang Kaisipan Uno