Boluntaryong sumuko ang 16 na miyembro ng New People’s Army sa mga awtoridad sa Barangay Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-17 ng Agosto 2023.
Ayon sa ulat, napag-alaman na dating kasapi ng Milisyang Bayan ng Bagong Hukbong Bayan na kung saan aktibo ang naturang grupo sa Casiguran, Aurora.
Lumagda ng Oath of Allegiance to the Government bilang patunay sa kanilang tapat na pagbabalik-loob sa pamahalaan at kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang baril, mga bala, granada, bandila ng CPP-NPA-NDF at iba pang kagamitan.
Patuloy ang ating gobyerno sa paghikayat sa mga mamamayan na makiisa sa pagpapantili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.