23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

1,500 DSWD relief packs, dinala ng PSWDO sa San Carlos City, Pangasinan

Dinala ng Provincial Social Welfare and Development Office ang 1,500 relief packs sa San Carlos City, Pangasinan nito lamang ika-7 ng Agosto 2023.

Ayon kay Ms. Maria Lorceli A. Estrada, San Carlos City Social Welfare and Development Officer, malaking tulong ito lalo’t tinatayang nasa 4,847 ang apektadong pamilya sa lungsod dahil sa bagyong Egay at habagat.

Base sa pinakahuling tala ng PSWDO, sa kabuuan ay umabot na sa 19,923 DSWD food packs, 4,270 Provincial food packs at 950 hygiene kits ang naipamahagi nila sa labinlimang bayan at tatlong lungsod ng Pangasinan.

Una rito, ipinag-utos ni Governor Ramon V. Guico III ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng bagyong Egay at habagat.

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa San Carlos City, Pangasinan na gagawin nila ang kanilang makakaya upang matulungan ang mga nangangailangan sa abot ng kanilang makakaya.

Source: Province of Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles