Matagumpay ang isinagawang Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT) kung saan 150 kabataan na nais magsundalo ang kumuha nito na ginanap sa People’s Gymnasium, Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Miyerkules, Hunyo 15, 2022.
Mula sa 150 na kumuha ng pagsusulit, 120 sa mga ito ang nais pumasok sa Officer Candidate School at 30 naman ang nangangarap na mapabilang sa bagong klase na kukuha ng Candidate Soldiers Course.
Sumailalim ang mga examinees sa screening at registration process bago ang naturang pagsusulit na isinagawa ng Army Recruitment Center Luzon katuwang ang 77th Infantry Battalion at 201st Community Defense Center.
Nauna nang sumailalim ang unang batch ng 150 examinees sa kaparehong pagsusulit noong Hunyo 14, 2022 sa West Central School, Ugac Sur ng nasabing siyudad.
Source: 5th Infantry Division, Philippine Army