18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

15 Dating rebelde nakakatanggap ng programang pangkabuhayan mula sa pamahalaan

Nakakatanggap ng programang pangkabuhayan mula sa pamahalaan ang 15 dating rebelde sa Brgy. Centro Norte, Sto Niño, Cagayan nito lamang Miyerkules, Hulyo 27, 2022.

Sila ay sumailalim sa oryentasyon at interview na ginanap bilang bahagi ng proseso upang makatanggap sila ng programang pangkabuhayan mula sa pamahalaan.

Pinangunahan ang aktibidad ng Cagayan Provincial Social Welfare and Development Office katuwang ang 17th Infantry Battalion, Philippine Army.

Ayon sa Special Project Focal, DSWD Region 2 na si Ginoong Jonathan Dela Cruz, nakatanggap ang mga dating rebelde ng Php20,000 bawat isa bilang kanilang panimula sa kani-kanilang negosyo.

Dagdag pa niya, hindi lamang dito nagtatapos ang mga programa at tulong ng gobyerno para sa kanila.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga benipisyaryo sa patuloy na pagtulong at pagsuporta sa kanila ng pamahalaan sa kanilang bagong simula.

Samantala, pinasalamatan din ng hanay ng kasundaluhan ng 17th IB sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Oliver C Logan, Commanding Officer ang DSWD sa patuloy nilang pagsuporta sa mga programa upang matulungan ang mga nagbalik-loob sa gobyerno.

Source: 17th Infantry Battalion, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles