15.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

15 Coffee Growers sumailalim sa pagsasanay ng modernisadong pamamaraan sa paggawa ng kape

Tabuk City, Kalinga– Sumailalim sa Innovative Coffee Farming na pagsasanay ang 15 na coffee growers ng Pasil at Balbalan, sa Kalinga State University nito lamang Martes, Hunyo 28, 2022.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng Department of Science and Technology-Cordillera katuwang ang Provincial Science and Technology Center-Kalinga at ng naturang unibersidad sa ilalim ng Innovation Support System Trainings ng kagawaran ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

Ang Provisioning Services Technical Committee ay nagsabi na ang mga coffee growers ay tinuruang pagtuunan ang investment opportunities ng kape at sa potensyal nito tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.

Tinuruan din sila patungkol sa coffee farm management techno-demonstration kung saan binigyang diin ang teknikal na kaalaman sa produksyon ng hilaw na bean.

Layunin ng pagsasanay na i-upgrade ang mga nakagawiang paraan ng mga coffee makers at magbigay ng mga kinakailangang kasanayan sa modernisadong pamamaraan ng coffee farm management para mas mapabuti pa ang kanilang productivity at global competitiveness.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles