14.8 C
Baguio City
Wednesday, November 27, 2024
spot_img

14 pasahero nasaklolohan matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Camiguin, Calayan, Cagayan

Ligtas na bumalik sa Camiguin Island ang labing apat (14) na pasahero ng isang motorbanca matapos itong tumaob sa bahagi ng Ensenada, Brgy. Naguilian, Camiguin Island noong araw ng Lunes, Nobyembre 20, 2023.

Ayon sa Philippine Coast Guard na naka-istasyon sa isla ng Calayan, bandang alas-nuwebe ng Nobyembre 19 nang pumalaot ang bangka lulan ang siyam na pasahero at limang crew paalis sa Brgy. Balatubat, Camiguin at tutungo sana sa bayan ng Aparri ngunit walang permiso mula sa Philippine Coast Guard (PCG) para bumiyahe dahil nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybaying bahagi ng Hilagang Luzon kabilang na ang Camiguin Island.

Subalit bandang 11:30 ng umaga, tumaob ang MB AGALEXA 02 dahil sa malalakas na alon dala ng hindi maayos na lagay ng panahon sa isla. Sa kabutihang-palad ay nakakapit ang lahat ng pasahero sa tumaob na bangka.

Agad nagsagawa ng search and rescue operations ang CGSS Camiguin gamit ang MB St. Perer at MB Carl Jansam para saklolohan ang mga pasahero.

Nagsagawa rin ng kaparehong operasyon ang CGSS Claveria para tumulong na maidala sa pampang ang mga pasahero na agad namang dinala sa Rural Health Unit ng isla para sa agarang gamutan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles