Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 14 na tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Barangay Bunol, Guimba, Nueva Ecija nito lamang ika-13 ng Nobyembre 2024.
Nabatid na ang mga sumuko ay mga miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) sa ilalim ng Alyansang Manggagawang Bukid ng Gitnang Luzon (AMGL).
Bilang pagtalikod sa mga komunistang teroristang grupo ay nanumpa at lumagda ang mga ito ng Oath of Allegiance to the Government.
Patuloy ang pamahalaan sa paghikayat sa iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.