Mayroong 135 indigent DagupeƱos ang nakatanggap ng tulong sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) katuwang ang mga lokal na opisyal ng Dagupan at iba pang ahensya nitong Oktobre 1, 2024.
Ayon sa pamunuan ng CSWD, ang nasabing tulong ay bahagi ng patuloy na programa ng lungsod upang siguruhing ang mga indigent na residente ay natutugunan, lalo na sa mga pangunahing pangangailangan.
Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng libreng konsultasyon para sa mga may karamdaman, pagbibigay ng educational support sa mga kabataang benepisyaryo, at pagkakaloob ng livelihood assistance upang matulungan ang mga pamilya na makapagsimula ng sariling hanapbuhay.
Pinaigting din ang tulong para sa mga nangangailangan ng burial assistance bilang tugon sa mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay. Tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy ang kanilang serbisyo para sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.
Ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at CSWD ay inaasahang magpapatuloy upang mas maraming pamilyang nangangailangan ang makinabang sa mga programang hatid ng pamahalaan para sa kapakanan ng kanilang mga kababayan.