Nasakote ang 13 suspek kabilang ang isang abogado sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Laskig, Pidigan, Abra bandang 5:00 ng hapon nito lamang Mayo 10, 2025.
Nabatid na nagkaroon ng komosyon kaya agad rumesponde ang pulisya at nadatnan ang dalawang sasakyan na isang black Nissan Navarra na walang plate number at isang white Toyota Hilux na may plate number HAG 5486.
Sa pag-inspeksyon ng pulisya, nakita na armado ng matataas na iba’t ibang kalibre ng baril ang mga sakay nito dahilan upang dinis-armahan at pinadapa ang mga ito.
Nasabat mula sa mga suspek ang mga M16 rifles at .45 caliber pistols, mga bala, tactical gear, at ballistic vests.



Nahaharap sa kasong Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to COMELEC Resolution No. 11067 o gun ban ang mga suspek, at ang abogado ay nahaharap din sa kasong Obstruction of Justice.
Patuloy ang malawakang pagbabantay ng PNP kaagapay ang ibang ahensya ng pamahalaaan upang masiguro ang isang ligtas, payapa, at malinis na election sa lalawigan ng Abra.

