Ipinagdiwang ng Lungsod ng Baguio ang ika-128th Rizal Day Anniversary sa Rizal Park, Baguio City nito lamang Disyembre 30, 2024.
Ito ay pinasinayaan ni Philippine Military Academy Superintendent na si Vice Admiral Caesar Bernard N. Valencia, na siya ring naging panauhing pandangal at tagapagsalita.
Ang pagdiriwang ay nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang kapulisan, kasundaluhan, BFP, at Local Government Unit ng Baguio sa pangunguna ni Congressman Mark Go, at Mayor Benjamin Magalong.
Naging tema sa aktibidad ang “Rizal sa Bagong Pilipinas: Buhay at Aral Aming Nilalandas” na naglalayong parangalan ang mga mahahalagang kontribusyon ni Dr. Jose Rizal na nagsilbing pundasyon para makamit ang isang bansang may katarungan at pagiging pantay-pantay.
Si Dr. Jose Rizal, ay binibigyan ng makabuluhang pagpupugay at kinikilalang bayani ng ating bansa na patuloy paring nagbibigay ng inspirasyon sa pagmamahal sa ating bayan, pagkakaisa, at pagsusumikap na magkaroon ng maayos at makabong bansang Pilipinas.
Source: Baguio City Public Information Office