16.8 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

122nd Benguet Founding Anniversary, ipinagdiwang

Ipinagdiriwang ang 122nd Benguet Founding Anniversary sa Benguet Sport Complex Gymnasium, La Trinidad, Benguet nito lamang Miyerkules, Nobyembre 23, 2022.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Benguet Gov. Melchor Diclas, Mayor Banjamin Magalong ng Baguio City at ng Police Regional Office Cordillera.

Ang aktibidad ay may temang “Benguet Adivay: A People’s Festival of Culture, Nature, and the Future.”

Tampok sa aktibidad ang Adivay Civic Parade na nagsimula sa Provincial Capitol hanggang sa Benguet Sports Complex. Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa Benguet, mga kinatawan ng bawat 13 munisipalidad ng probinsya, mga miyembro ng paaralan, simbahan at marami pang iba.

Ang Benguet Adivay Festival ay isang buwan na selebrasyon na ginaganap tuwing Nobyembre at layuning ipagmalaki ang kasaysayan, kultura, mga produkto at kalakalan ng probinsya ng Benguet.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles