13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

120 Volunteers sumailalim sa Basic Citizen Military Training sa Isabela

Sumailalim sa Basic Citizen Military Training (BCMT) ang 120 volunteers na gustong maging Army Reservist sa himpilan ng 5th Infantry Division, Gamu, Isabela nito lamang Lunes, Mayo 30, 2022.

Ang mga volunteers ay sasailalim sa 45-days training sa tulong ng 2nd Regional Community Defense Group kung saan tuturuan sila ng mga Basic Military Skills at mga kaalaman bilang paghahanda kung sakaling sila ay kailanganin ng bansa.

Binubuo ang 120 volunteers ng 106 na kalalakihan at 14 na kababaihan na may edad 18 hanggang 35 na mula sa probinsya ng Cagayan.

Magsisilbi bilang mga Army Reservist ang mga makakatapos sa pagsasanay. Sila ay magiging karagdagang pwersa ng Hukbong Katihan ng Pilipinas kung sakaling magkaroon ng giyera o kaguluhan, tutulong sa relief and rescue operations sa oras ng sakuna, at iba pang mga operasyon ng AFP kung saan kakailanganin ang kanilang serbisyo.

Binigyang diin ni Major General Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng ROTC upang mas lalo pang palakasin ang hanay ng mga kabataan sa kanilang pagtulong at pagsisilbi sa bayan.

“Ang inyong desisyong maging bahagi ng reserbang pwersa ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay magsisilbing napakalaking pag-alalay ng serbisyo sa pagkamit ng kapayapaan at kaayusan ng ating bayan. Kayo ay napakalaking bahagi sa pagpapatibay ng integridad ng ating bansa at magsisilbing matibay na pundasyon sa mga komunidad,” ani Major General Mina.

Source: 5th Infantry Division, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles