16.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

120-Day Complimentary Food Feeding Program inilunsad ng DOST III sa Bulacan

Inilunsad ng Department of Science and Technology III ang 120-day Complementary Food Feeding Program sa mga batang kulang sa timbang sa pitong barangay ng Malolos, Bulacan nito lamang ika-27 ng Hulyo 2022.

115 na bata ang magiging benipisyaryo ng program sa barangay ng Caniogan, Ligas, Look 1st, Longos, Mojon, Matimbo, at Panasahan, Malolos, Bulacan.

Matagumpay ang programa sa pakikipagtulungan ng Provincial S&T Office Bulacan at pinondohan ng DOST III Expanded Implementation of Community Empowerment thru Science & Technology o ang eCEST Program.

Ibinigay naman ng pamahalaang lokal Malolos ang programa sa pangunguna ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad at City Nutritional Officer, Ms. Evangeline Paguntalan.

Nakilahok din sa paglulunsad si Malolos City Councilor Niño Bautista, OIC ng City Health Office na si Dr. Minerva Santos, DOST PCEST Bulacan Coordinators, at Barangay Nutrition Scholars.

Layunin ng programa na maibsan ang tumataas na porsyento ng malnutrisyon sa bansa at maiwasan ang sakit.

Source: DOST Bulacan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles