Ipinakita ang 12 makabagong proyekto na naglalayong pagandahin ang kalidad ng edukasyon sa Ilocos Norte sa 2024 BANNUAR: INLaB for Education Innovation Summit na ginanap sa Fort Ilocandia Resort Hotel nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2024.
Ang mga proyekto mula sa iba’t ibang paaralan sa probinsya ay layong magdulot ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng inobasyon, pakikipagtulungan, at pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng mga guro, administrador, at iba pang stakeholders.
Ayon kay DepEd Regional Director Tolentino Aquino, ang pagtutulungan ay mahalaga upang makalikha ng pinakamahusay na mga kasanayan at mapagsama-sama ang mga yaman ng sektor para sa tagumpay.
Binigyang suporta ng Energy Development Corporation (EDC) ang mga proyekto sa pamamagitan ng PHP20,000 na pondo sa bawat isa, habang ang tatlong pinakamahuhusay na proyekto ay tatanggap ng karagdagang PHP30,000.
Sa ganitong paraan, layon ng summit na tiyaking walang maiiwan sa mabilis na pagbabago ng mundo, lalo na sa edukasyon.