18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

12 Former Rebels nakatanggap ng Livelihood Assistance mula sa DOLE

Nakatanggap ng Livelihood Assistance ang 12 former rebels mula sa Department of Labor and Employment sa Camp Montes, Poblacion, Bontoc, Mountain Province nito lamang Oktubre 13, 2022.

Nakatanggap ang mga dating rebelde ng carpentry at welding tools kabilang ang mga planer, speed cutter, claw hammers, portable inverter welding machine, welding rod, welding gloves, welding helmet, protective/safety eye wears at insurance benefits na nagkakahalaga ng Php288,172.

Ipinahayag ni Nathaniel Lacambra, Regional Director, DOLE ang garantisadong tulong mula sa gobyerno sa pamamagitan ng tulong pangkabuhayan upang mapabuti ang buhay ng mga dating rebelde na gustong mamuhay ng tahimik at normal.

Bukod pa dito, nagpahayag din ng suporta si Congressman Maximo Y. Dalog, Jr., sa mga nagbalik-loob na dating rebelde sa pag-alok at paghikayat sa mga ito na mag-avail ng skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang higit na mapaghusayan ang kanilang technical skills.

Ang mga kawani ng gobyerno ay nagkakaisa upang hikayatin ang iba pang mga miyembro sa hanay ng armadong pakikibaka na magbalik-loob sa gobyerno dahil ang pamahalaan ay laging bukas at handang tumulong sa mga nais magbagong buhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles