14 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

115 TUPAD Beneficiaries, tumanggap ng Sahod na Php3,700 mula sa Pamahalaan ng Piddig, Ilocos Norte

Piddig, Ilocos Norte – Nakatanggap ang nasa 115 Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) beneficiaries ng sahod na tig-Php3,700 mula sa Pamahalaan ng Piddig, Ilocos Norte nito lamang Lunes, ika-24 ng Oktubre 2022.

Ang nasabing pamamahagi ng benepisyo ay pinangunahan ni Hon. Georgina S. Guillen, Mayor ng Piddig, Ilocos Norte kasama ang mga Sangguniang Bayan ng naturang bayan.

Ayon kay Hon. Mayor Georgina S. Guillen, ang naturang sahod ng mga napabilang sa programa ng DOLE ay kapalit ng kanilang pagtatrabaho sa kani-kanilang mga barangay. Sila ay nagsagawa ng community cleaning and disinfection, greening and disinfection.

Ayon pa kay Hon. Mayor Guillen, “ang magandang programa na ito ay pinondohan ng Department of Labor and Employment Ilocos Norte Field Office (DOLE INFO) bilang isa sa mga inisyatibo ni Hon. Sandro Marcos, Congressman, 1st District Ilocos Norte,” aniya.

Samantala, nag-ikot ang mga kawani ng DOLE Ilocos Norte Field Office (DOLE INFO) sa mga bayan-bayan ng Ilocos Norte upang ihatid ang sahod ng mga TUPAD workers.

Layon ng programang ito na makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa kapaligiran, at bigyang pagkakataon din upang magkaroon ng pansamantalang kita ang mga disadvantaged at displaced workers ng bayan.

Source: LGU Piddig, Ilocos Norte

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles