Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 11 dating miyembro ng teroristang grupo mula sa programa ng gobyerno na E-CLIP o ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program sa Burgos Avenue, Cabanatuan, Nueva Ecija nito lamang ika-5 ng Agosto 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Director Karl Caesar R. Rimando, CESO III at dinaluhan ng Regional Director ng Department of Interior and Local Government 3, Brigadier General Joseph Norwin Pasamonte ng Philippine Army, Police Lieutenant Colonel Joseph Sta Cruz, Deputy Provincial Director for Operation at Police Lieutenant Colonel Robert Agustin, 1st Provincial Mobile Force Company Force Commander.
Ang mga dating rebelde ay mula sa grupo ng Militiang Bayan at regular na miyembro ng CPP-NPA-NDF.
Nakatanggap sila ng tseke na Php15,000 at Php50,000 na tulong pangkabuhayan na maaari nilang gamitin sa negosyo.
Nabigyan din sila ng baril kung ito ay kapalit ng mga sinuko nilang armas na mula sa teroristang grupo.
Sa kabuuan, nakatanggap ang mga dating rebelde ng Php515,000.
Ang E-CLIP ay isa sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga sumukong rebelde. Ito din ay isang hakbang tungo sa pagkakaisa at pangmatagalang kapayapaan.
Source: First Pmfc Nueva Ecija