16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

1000 na magsasaka nakatanggap ng libreng waterpump at irrigation hose mula sa Pamahalaan ng Batac, Ilocos Norte

Nakatanggap ng libreng waterpump (Diesel Fed Engine) at irrigation hose ang 1000 magsasaka ng Batac, Ilocos Norte nito lamang ika-27 ng Hulyo 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Windell D. Chua, Vice Mayor, City of Batac kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pamamahagi sa naturang proyekto na ginanap sa Imelda Cultural Center ng nasabing siyudad.

Ang pamahalaang lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Albert D. Chua ay patuloy na binibigyang prayoridad ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura kung kaya’t nilalayon na ipagpatuloy ang programang ito hanggang sa lahat ng mga rehistradong magsasaka sa RSBSA ay mabigyan ng tig-isang unit ng water pump.

Ayon kay Hon. VM Chua, ang mga benipisyaryo ay mga rehistradong magsasaka ng RSBSA na hindi pa nakatanggap ng ganitong uri ng tulong.

Ayon pa kay Hon. VM Chua, sa katunayan noong Hunyo 2022, mayroon 6265 na rehistradong magsasaka sa RSBSA. Dalawampu’t limang porsyento ng bilang na ito ay nakatanggap na ng water pump mula sa pamahalaang lungsod.

Dagdag nito, “upang matiyak ang napapanahong irigasyon ng mga pananim at mapataas ang produktibidad ng mga sakahan ay nagsasagawa kami mismo ng ocular inspection”.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles