14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

1,000 College Students sa Baguio City, nakatanggap ng Educational Assistance mula kay Sen. Imee Marcos

Nakatanggap ng educational assistance mula kay Senator Imee Marcos ang 1,000 pre-identified college students na ginanap sa Baguio Convention and Cultural Center nito lamang ika-20 ng Agosto 2023.

Ang pamamahagi ng educational assistance ay sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.

Ang mga napiling benepisyaryo ng educational assistance ay mula sa low income families kung saan sila ay nakatanggap ng Php10,000 bawat isa.

Sa kanyang mensahe, inilahad ni Marcos na ang nasabing educational assistance ay naglalayong tulungan ang mga pamilya na lubos na naapektuhan sa pagsalanta ng bagyong “Egay” sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para sa gastusin ng kanilang mga anak sa edukasyon.

“Investing in students is the best business that we can do. Let us help one another and you can always put your trust in us”, pagbibigay-diin ni Marcos.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles