21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

100 Volunteers, nagbayahanihan para sa Hundred Islands National Park

Nagbayanihan ang 100 volunteers para sa proyektong “VolunTOURISM: 100 volunteers for Hundred Islands National Park” nito lamang Sabado, ika-3 ng Disyembre 2022.

Ang naturang proyekto ay isa lamang sa isinusulong ni 1st District Congressman Arthur F. Celeste katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa liderato ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste na naglalayong mapanatili ang kalinisan, kagandahan at mapangalagaan ang naturang tourist spot.

Kabilang sa mga volunteers ang mga kawani ng Lungsod ng Alaminos, Protected Area Management Board, Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT), Philippine National Police Alaminos Police Station, Hundred Island Bonsai Club, Oyster Culture Baleyadaan, Alaminos City OFW Family Association (ACOFA)/OFW, Philippine Assemblies of The First Born (AFB) Alaminos, BBB TOA at Bayanihan Hundred Islands Agrarian Reform Cooperative (BHIARCO).

Nangangako naman ang mga namumuno sa Pangasinan na kanila pang pag-iigihan ang kanilang mga trabaho at patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad at programa na naglilinang sa kapasidad at kaalaman ng kanilang mga nasasakupan, at upang mapangalagaan din ang turismo sa kanilang lugar.

Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles