Masayang tinanggap ng 100 Island TODA Federation ang Pangkabuhayang Project (Establishment of Motorcycle Spare Part, Accessories & Vulcanizing Shop) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) nito lamang October 18, 2022.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Arth Bryan C. Celeste sa DOLE Alaminos Field Office sa tulong at suporta sa lungsod na naglalayong maiangat at mapaunlad ang hanapbuhay ng ating mga kababayang tricycle drivers at operators.
Nagkaroon din ng Cooperative Development Authority (CDA) pre-registration seminar ang mga miyembro ng 100 Island TODA Federation upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng bawat isa para sa mas mabisang pagpapatakbo at pagpapalago ng kanilang magiging kooperatiba.