Sumuko ang 10 tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Barangay Sinulatan, Guimba, Nueva Ecija nito lamang Pebrero 13, 2025.
Ayon sa PNP, ang mga sumuko ay mga miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) sa ilalim ng Alyansang Manggagawang Bukid ng Gitnang Luzon (AMGL).
Nanumpa at lumagda ang mga sumuko ng Oath of Allegiance bilang pagtalikod sa komunistang grupo at nakatanggap ng mga grocery packs.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kapiling ang kanilang pamilya.
