10 New People’s Army (NPA) supporters ang binawi ang suporta at nagbalik-loob sa pamahalaan sa Barangay Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Nobyembre 2023.
Kasabay ng kanilang pagbawi ng suporta sa teroristang grupo ay lumagda at nanumpa ang mga ito ng Oath of Allegiance to the Government.
Agad naman nakatanggap ng grocery packs mula sa gobyerno ang mga naturang dating supporters ng NPA.
Patuloy na man ang panawagan ng gobyerno sa natitira pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at tuldukan ang maling ideolohiya na walang ibang dulot kundi karahasan at terorismo na hadlang sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa ating bayan.