19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

10 days Trainer’s Training on Medical Responders’ Course, inilunsad sa Tuguegarao City

Inilunsad ang 10 days Trainer’s Training on Medical Responders’ Course para sa Batch 2 ngayong araw ng Lunes, ika-14 ng Nobyembre 2022 sa 6th Floor ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao City.

Ang programa ay pinangasiwaan ni Dr. Roderick Ramirez, Executive Assistant IV, CDRRMO na nilahukan ng 35 na indibidwal na kinabibilangan ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng LGU Tuguegarao at ng Department of Education sa Lungsod.

Ilan sa mahahalagang pag-aaralan ng mga kalahok ay may kaugnayan sa common medical terms, basic anatomy, patient assessment, basic life support, bandaging, splinting and tourniquet application, patient handling, motor vehicular accident management, mass casualty management, at paggawa ng mga indigenous rescue material.

Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlungsod na Tuguegarao Youth Volunteers Fire Emergencies Rescue Training o TUGYV FERST ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ng Local Youth Development Office (LYDO) na naglalayong sanayin ang mamamayan ng Lungsod, kung paano magsagip ng buhay at magresponde sa oras ng sakuna o kalamidad.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles