13.9 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

10 dating miyembro ng CTG tumanggap ng Sustainable Livelihood Program mula sa DSWD

Nagbigay ng tulong sa pamamagitan Sustainable Livelihood Program (SLP) ang DSWD Field Office 1 sa 10 mga dating miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) sa bayan ng Sigay, Ilocos Sur nitong Huwebes, Hunyo 2, 2022.

Ayon sa DSWD Field Office 1, magsisilbing kapital ang naibigay na tulong sa kani-kanilang mga napiling kabuhayan tulad ng sari-sari store, pag-aalaga ng kambing, baboy at iba pa.

Ayon pa kay AFP Staff Sergeant Ranran Yabres, dapat nang tuldukan ang 53 taong lokal na insurhensya dulot ng makakaliwang grupo kung saan inaasahan ang pakikiisa ng bawat Pilipino.

Dagdag pa ni Staff Sergeant Yabres, huwag hayaan ang mga kabataan na maranasang maloko ng mga rebeldeng grupo at tumaliwas sa gobyerno.

Isinagawa ang naturang aktibidad upang ibangong muli ang ating mga kapwa Pilipino na naligaw ng landas upang magkaroon sila ng bagong pag-asa at bagong kaginhawaan sa buhay.

Bukod pa rito, layunin din ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng mamamayan at ng ating gobyerno tungo sa maayos at tahimik na pamayanan.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles