14.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

1 patay at 1 sugatan sa engkwentro sa Nueva Ecija

Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang napatay at isa naman ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista sa Brgy. Rio Chico, Gen Tinio, Nueva Ecija, bandang alas-10 ng umaga nito lamang Setyembre 1, 2022.

Kinilala ang namatay na si Private Jaylord I. Hipolito habang sugatan naman si Private First Class Francis D. Lictawa.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng engkwentro habang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng militar laban sa mga komunista na patuloy ang panlilinlang at pang-aabuso sa komunidad.

Pinaniniwalaan na ang naka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan ay mga NPA na hanggang ngayon ay patuloy pang tinutugis.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles