13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

1.5-Gigawatt solar power production sa 2025, inaasahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan

Inaasahan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na makagawa ng 1.5 gigawatts ng solar power capacity sa taong 2025 mula sa limang renewable energy companies na nakatakdang magtayo ng mga solar farm sa mga susunod na taon ayon sa panayam na inihayag nitong ika-5 ng Oktubre 2023.

Ayon kay Hon. Mark Lambino, Pangasinan Vice Governor, kabilang sa mga kumpanyang nakakuha ng pag-apruba mula sa Sangguniang Panlalawigan (Provincial Council) para ituloy ang paggawa ng solar energy ay ang Sinocalan Solar Power Corporation para sa 60-megawatt (MW) solar power project nito sa Barangay Sto. Domingo, San Manuel; Renovable Earth Corporation na nagmungkahi ng pagpapaunlad at pagpapatakbo ng 75.014MW peak (MWp) at 49.500 MW alternating power (ac) project sa mga nayon ng Pangascasan at ⁵/5Capantolan sa Sual; PV Sinag Power Inc. na nagmungkahi ng pagbuo at pagpapatakbo ng 75 MWac at 146 gigawatt hour (GWh) generation capacity ng Cayanga-Bugallon Solar Power Project sa Barangay Cayanga, Bugallon.

Dagdag ni Hon Lambino, ang mga kumpanyang enerhiya ay may Solar Energy Operating Contract (SEOC) mula sa Department of Energy (DOE) na kinakailangang papeles mula sa Bureau of Investments (BOI) para sa pagsunod at pagproseso para sa pagpapalabas ng Environmental Compliance Certificate mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kinakailangan para makakuha ng Special Land Use Permit o isang Forest Land Use Agreement.

Nilalayon ng pamahalaan ng Pangasinan na mapababa sa 10 porsyento ang matitipid sa produksyon ng enerhiya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles