19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

𝗞𝗮𝗿𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗹abi 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 miyembro ng CTGs 𝗻𝗮𝗵𝘂𝗸𝗮𝘆 sa Isabela

Muling nahukay ng mga kasundaluhan ang karagdagang limang bangkay ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Barangay Canadam, Maconacon, Isabela noong ika-8 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Natunton ang mga labi dahil sa tulong ng mga former rebels na nagbigay ng impormasyon sa 502nd Infantry Brigade na agad namang tinungo ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army.

Nagresulta ito sa pagkadiskubre at pagkahukay ng mga labi nina alyas Rigid/Mawin, Commanding Officer ng Front Operation Command (FOC), alyas Brad/Airus, Vice Commanding Officer ng FOC, alyas Dondon, Vice Squad Leader ng Squad Uno, alyas Monmon, miyembro ng Squad Uno at alyas Bambo, miyembro ng Squad Dos, ng Komite Probinsya Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Matatandaan na noong ika-3 ng Hulyo, naunang nahukay ang mga bangkay nina alyas Eloy, 1st Deputy Secretary, alyas Bryan, at alyas Marcoa, kapwa mga miyembro ng Squad Dos.

Batay sa naging rebelasyon ng mga former rebels, ang kanilang mga dating kasamahan ay namatay dahil sa hidwaan ukol sa pamumuno sa kanilang organisasyon. Dahil dito, nagawang patayin ng mga ito ang isa’t-isa.

“Ang hindi nila pagkakasundo-sundo sa loob ng kanilang organisasyon ay manipestasyon ng pagkakawatak-watak ng kanilang samahan. Hindi na rin magtatagal, sila na mismo ang magpapabagsak sa kanilang grupo,” pahayag ni LtC Carlos Sangdaan Jr., Battalion Commander ng 95 IB.

Dagdag pa ni LtC Sangdaan, ang hindi maayos na paglibing ng mga naiwang miyembro ng teroristang grupo sa kanilang mga lider ay patunay ng kanilang hindi makataong gawain.

Sa kabilang banda, ang Lokal na Pamahalaan ng Maconacon ang nagbigay ng disenteng libing sa natagpuang walong bangkay.

Samantala, inihayag naman ni BGen Danilo D Benavides, Brigade Commander ng 502nd Brigade na mas paiigtingin pa ng kanilang hanay ang isinasagawang opensiba laban sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo.

Muli naman niyang hinikayat ang mga nalalabing miyembro na magbalik-loob na sa pamahalaan para mamuhay ng maayos at tahimik kapiling ang pamilya.

Source: 5ID Startroopers, Philippine Army FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles