22.7 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

₱10,000 CNA Bonus, ipinagkaloob sa 1,260 Empleyado ng Angeles City Hall

Bilang pagkilala sa dedikasyon at sipag ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Angeles, namahagi ang administrasyon ng Collective Negotiation Agreement (CNA) bonus sa 1,260 empleyado ng City Hall nito lamang Huwebes, ika-19 ng Disyembre 2024.

Laking pasalamat ng mga empleyado sa biyayang ipinamahagi sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., City Mayor, na kung saan ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱10,000.00 na binubuo ng 915 permanent, 329 casual, at 16 contractual na empleyado.

Ang CNA bonus ngayong taon ay tumaas dahil sa pagkamit ng lungsod ng Seal of Good Local Governance (SGLG) na ayon sa butihing Mayor ay dahil na rin sa kanilang pagsusumikap ng mga empleyado na maghatid ng dekalidad na serbisyo publiko.

Ang mga benepisyong ito ay patunay ng pagkalinga ng alkalde hindi lamang sa mga empleyado kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya.

Ang pagkakaloob ng mga insentibo ay nagsisilbing inspirasyon para sa mga empleyado na patuloy na magbigay ng mas mahusay at dekalidad na serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Angeles City.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles